|
|
||
|
Sunday, June 10, 2007
tenenenen. tenenenen
ang sarap gumising sa malalaking patak ng ulan na isa isang tumatama sa bubing ng aking kwarto. mlakas man, ok lang ;) sa nakaraang dalwang gabi, ang aking mga panaginip.. di ko maipaliwanag. sa bawat pa naginip ay meron humahalik sa akin kung hindi naman, ako ang humahalik. bakit kaya ganun? nung isang gabi, sa aking panaginip, isang lalaki ang humalik sa aking pisngi o_o kagabi naman, isang babae ang aking hinalikan. di ko maintidihan. ano na kaya ang ibig sabihin nito? :T
11:09
Saturday, June 9, 2007
hirit. hirit.
huling hirit na bago magpasukan! :) para sa kanila. Tama, matagal pa kasi ung pasukan namin kaya marami pa akong panahon na aaksayahin :)) Diba dapat masaya tayo pag may taong magsstay sa bahay natin kahit na saglit lang dahil makakabonding natin itong tao na ito? well, ako, hindi. tama. Tumambay ang aking pinsan sa bahay namin ng mga mahigit isang linggo at sa mahigit na isang linggo na yun, wala akong naramdaman kundi galit at inis pero pilit ko itong tinago para hindi sumama ang loob nya at para di na ako dumagdag sa mga problema nya sa buhay ;) Bakit ba ako inis na inis sa kanya? kasi isa syang baabe na ubod ng landi dahil nung lumipat sya sa isang pampublikong paaralan sa probinsya, malaking malaki na ang kanyang pinagbago. lalo syang lumandi at doon nya natutunan na lahat ng lalaking magkakagusto sa kanya ay pwede nya paglaruan. tama. paglaruan. naiinis ako sa mga kilos nya. bakit? kasi. PERIOD. basta kasi. lahat ng kilos ko, akilangan nyang malaman. lahat ng sasabihin ko, kailangan nyang malaman. lahat ng messages ko, kailangan nyang mabasa. lahat ng tawag ko, kailangan nyang pakinggan. TANGINA naman o, nakakainis. kaya dito ko ito nilalagay kasi wala namang nagbabasa nito eh. kaya medyo kampante ako maglagay ng kung anu ano dito na wala sa iba kong mga blog dahil itong blog ang di binabasa ng mga taong sinusulatan ko ng entries. mababaw man pero kailangan para makaiwas ako sa gulo na ako din naman ang may gawa. parang ang tanga ko eh nouh?
20:59
|
||